BALER, AURORA: VOICE OF AURORANS

BALER, AURORA

Peace not War

Peace not War
Kapayapaan Bunga ng Pagkakaisa at Pagtutulungan ng mga mamamayan ng Aurora Ito ay simbolo ng pagkakaisa ng lahat ng sector ng lipunan upang tuluyan ng iwaksi ang salot na CPP/NPA/NDF. Ang organisasyong ito ay siyang hadlang sakaunlaran ng Aurora kaya naman ang mamamayan na mismo ang kusang kumukondena sa kanila. Ang mga NPA naman na nalinlang lamang ng kanilang dating kumander ay sunod-sunod na sumuko sa pamahalaan upang makapamuhay ng normal at makasama nila ang kanilang pamilya Bilang tulong-tulong na kampanya ng mga mamamayan ng Aurora na tulad ko kami ay umaasa na tuluyan nang makamit namin ang tunay na kapayapaan at kaunlaran sa aming bayan... Maraming salamar po sa lahat ng nakiisa at tumulong sa kampanyang ito...

Saturday, May 22, 2010

Payapang Diyalogo Tungo sa Solusyon ng Problema

Ang pagkaka-reduce ng lupang masasakupan ng APEZA sa Casiguran, Aurora at ang hindi pagsama ng mga lupang tubigan ay tagumpay na diyalogo ng mga residenti at pamunuan ng APEZA. Ito ay welcome development sa ating lahat. Lagi nating tatandaan na ang solusyon sa ating mga problema ay payapang pakikipag-usap at hindi madugong labanan. Kaya ko ito binibigyan ng diin sapagkat sa ganitong pagkakataon pweding mahaluan ng mga organizer ng CPP/NPA/NDF ang grupo ng mga apektadong residenti upang pag-alabin ang kanilang damdamin at tuluyan ng mag-armas. Maraming salamat sa gabay ni Father Jufran ng Bianoan, alam ko ay hindi papayag si Father na mapasukan ng CPP/NPA/NDF ang mga taong ipinaglalaban ang kanilang karapatan sapagkat ang pagsapi sa kilusan ng NPA ay maaring buhay ang kapalit. Labag din ito sa itinuturo ng simbahan ang madugong digmaan. Kaya ang mga diayalogong ginawa sa pagitan ng residenti at APEZA ay nararapat na ituloy lamang sapagkat ito ang magbibigay daan para sa pagkaka-unawaan...

2 comments:

  1. Tama ka diyan kaibigan... Sana tuloy tuloy na ang solusyon sa mga hinaing namin dito sa Brgy Esteves.Yung mga wala pang lote at bahay sana bigyan ng housing ng APEZA para naman di kami magmukhang kawawa. Ipagawa muna nila ang mga housing na pangako bago kami lumipat...

    ReplyDelete
  2. Congratulations pala kay SB May-ann Estevez, sana ay matulungan niyo kami SB na maiparating sa kinauukulan ang aming mga hinaing. Sana ibalik din ang mga army sa ating Barangay ma'am... ALam namin malakas ka sa mga army kaya kung pedi request niyo sila.. Maraming salamat po... Congratulations po muli...

    ReplyDelete