BALER, AURORA: VOICE OF AURORANS

BALER, AURORA

Peace not War

Peace not War
Kapayapaan Bunga ng Pagkakaisa at Pagtutulungan ng mga mamamayan ng Aurora Ito ay simbolo ng pagkakaisa ng lahat ng sector ng lipunan upang tuluyan ng iwaksi ang salot na CPP/NPA/NDF. Ang organisasyong ito ay siyang hadlang sakaunlaran ng Aurora kaya naman ang mamamayan na mismo ang kusang kumukondena sa kanila. Ang mga NPA naman na nalinlang lamang ng kanilang dating kumander ay sunod-sunod na sumuko sa pamahalaan upang makapamuhay ng normal at makasama nila ang kanilang pamilya Bilang tulong-tulong na kampanya ng mga mamamayan ng Aurora na tulad ko kami ay umaasa na tuluyan nang makamit namin ang tunay na kapayapaan at kaunlaran sa aming bayan... Maraming salamar po sa lahat ng nakiisa at tumulong sa kampanyang ito...

Monday, March 22, 2010

AN OPEN LETTER FROM KA ELAY

Mangingibabaw ang katotohanan at ipagtatagumpay ang hustisya

“Paglingkuran ang Sambayanan!” Sa isang demokratikong bansa gaya ng Pilipinas, ang kasabihang ito ang nararapat na gumabay sa pag-iral at pagtupad sa tungkulin ng isang gubyerno; at kakaiba mang sabihin, ang mga katagang ito ang mismong nagtulak sa akin upang lumahok sa armadong rebolusyong isinusulong ng mga komunistang kilusan; ang panawagan na gumising sa akin mula sa malagim na katotohanan ng aking ipinaglalaban; at ang sinyal na nagbalik sa akin muli ng suporta at kumpyansa sa kasalukuyan nating gubyerno.
Kung tutuusin, masasabi kong nababahiran ng katiwalian ang ating gubyerno ngunit hindi ko ninanais pang pabagsakin at palitan ito ng isang komunistang pamamahala. At sa realisasyon kong ito ay nais kong ipaabot ang aking pag-simpatiya sa ‘Morong 43’—sa patuloy na pagkakaila ng kanilang maliwanag na pagkakasangkot sa ‘kilusan’ (CPP-NPA-NDF). Ngunit para nga ba kanino ang ginagawa nilang pagtanggi sa katotohanan? Nakatitiyak ako na hindi ito para sa kapakanan ng mga tunay na lingkod kalusugan. Habang tumitindig pa rin ako sa aking paniniwala na ang gubyerno, sa pangkalahatan, at ang militar, sa partikular ay dapat managot sa kanilang mga pagkukulang at pagkakamali sa naganap na pag-aresto ay hindi rin naman ako naniniwala sa mga alegasyon ng pisikal at mental na torture, sexual molestations, iligal na pag-aresto, at mga pekeng search warrants laban sa mga otoridad. Hindi ako isang abugado, ngunit sa aking opinyon ay nararapat at wasto lamang na hayaan na natin sa korte iresolba ang isyu ng ‘Morong 43’. Sa gitna ng patung-patong na kontrobersiya ay naniniwala ako na mangingibabaw ang katotohanan at maipagtatagumpay natin ang hustisya bandang huli.
Minsan ko ring naranasan ang buhay ng isang gerilya. Natutunan ko ang kahalagahan ng pagplaplano sa isang di kumbensyunal na pamamaraan; ang paggamit sa mga ligal na entidad, lugar, at aktibidad bilang mga cover sa aming mga iligal na gawain; ang pagkakaroon ng isang contingency plan kung sakaling magkakaron ng raid ang mga otoridad ng gubyerno; ang hindi pagbibigay ng tunay na pagkakakilanlan sa mga nag-iimbestiga maliban na lang kung isang ligal o aboveground na pusisyon ang hawak mo. Alam ko kung paano makipaglaro sa itinuturing naming kaaway at kung paano mapunta sa kalagayan ng ‘Morong 43’. Sa kanyang artikulo (Malaya, February 15 issue), inilimbag ni Ms. Ellen Tordesillas ang kanyang listahan ng mga naaresto na may 42 na pangalan ng nasabi. Sa aking pagkukumpara ng listahan na nakalap ko mula sa aking mga kakilala at sa inilimbag na listahan ni Ms. Tordesillas, hindi na ako nagulat nang 12 sa mga pangalan na nailimbag ay wala sa aking ‘personal’ na listahan, nangangahulugan lamang na ang mga taong ito ay gumamit ng ibang pagkakakilanlan. Ang tanong ko ngayon—hanggang kailan kaya paiikutin ng ‘Morong 43’ ang mga otoridad sa larong nito ng kasinungalingan? Hanggang kailan nila balak iligaw ang publiko sa tunay na kalikasan ng pangyayaring ito?
Sa kasamaang-palad, isa sa ‘Morong 43’ ay nagkataon na naging kaibigan at guro ko noon sa lihim na kilusan. Hindi ako sigurado sa kanyang mga binabalak ngayon ngunit umaasa ako na siya at kasama ng iba pa ay malinawan upang tigilan na ang pagtatago nila ng katotohanan. Para sa mga pamilya at kaibigan ng 43 na naaresto, marapat kong ipinapayo na kayo ay patuloy na manalangin at magtiwala sa ating sistema ng hustisya. Kaisa niyo ako. Kung hindi dahil sa naganap na pag-aresto, marami pang buhay ang maaaring bawiin ng mga eksplosibong nakumpiska; marami pang asawa at mga anak ang maaaring maiwang lumuluha. At para sa ‘Morong 43’ – magtulungan tayong tapusin na ang marahas at madugong labanan na ito! Pangibabawin ang katotohanan! Ipagtagumpay ang hustisya!

Ka Elay
(dating kakolektiba ni Jacqueline Gonzales alias Ka Eloi sa UP Diliman)

No comments:

Post a Comment