Saturday, November 28, 2009
We Love Peace in Aurora
Kapag napasyal ka sa Aurora, makikita mo mga nakalagay sa mga basketball court, tanke ng tubig o kaya ay nakasulat sa T-shirt ang katagang "I Love Peace". Napakaganda nga naman na kung ang bawat isa ay magsasabi at isasapuso ang mga katagang ito. Kung minsan tinatanung ko ang aking sarili bakit mga ibang tao pa ang nag-uumpisa ng ganitong programa particular ang mga sundalo na karaniwan namang hindi taga Aurora. Diba dapat tayong mga taga-Aurora ang unang magsasabi at magtutulungan para sa kapayapaan ng ating bayan? Diba napakagandang pagmasdan na tayo ay malayang nakakagalaw kahit saan man tayo pumunta dahil alam natin na wala ng mga armadong NPA ang gumagala sa daan na naghahasik ng takot sa mga tao. Ilang mga negosyante din ang kanilang pinahirapan sa pamamagitan ng pagdedemand ng revolutionary tax daw, para sa kaunlaran ng Aurora subalit hanggang ngayon wala naman tayong makikita na kahit isang proyekto na ginawa ng CPP/NPA mula sa revolutionary tax na kinokolekta nila. Saan kaya pumupunta ang perang nakukuha nila? Dikaya ito ay isa lamang sa kanilang mga extortion activity na kapag di ka nagbigay ng hinihingi nila ay pipirwisyohin nila ang iyong negosyo. Buti nalang ay di na nararanasan ang mga pangyayaring ito sa kasalukuyan dahil natututo na rin ang mga mamamayan ng Aurora pati na rin ang mga dati nilang miyembro na sunod sunod ang pagsuko sa ating Gobeyerno.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Sana po ay tuloy tuloy na ang kapayapaan upang maging maunlad na kami dito sa Aurora. Mamasyal ka nga po sa baler bay, nakakatuwa na maramin ng mga turista ang namamasyal ibig sabihin po ay di na sila takot sa teroristang NPA! Salamat po sa mga army na nandito sa bayan namin dahil sila na mismo ang lumalapit sa mga tao upang tumulong. Sana ay wag na kayo umalis dito sa probinsya namin...
ReplyDelete