BALER, AURORA: VOICE OF AURORANS

BALER, AURORA

Peace not War

Peace not War
Kapayapaan Bunga ng Pagkakaisa at Pagtutulungan ng mga mamamayan ng Aurora Ito ay simbolo ng pagkakaisa ng lahat ng sector ng lipunan upang tuluyan ng iwaksi ang salot na CPP/NPA/NDF. Ang organisasyong ito ay siyang hadlang sakaunlaran ng Aurora kaya naman ang mamamayan na mismo ang kusang kumukondena sa kanila. Ang mga NPA naman na nalinlang lamang ng kanilang dating kumander ay sunod-sunod na sumuko sa pamahalaan upang makapamuhay ng normal at makasama nila ang kanilang pamilya Bilang tulong-tulong na kampanya ng mga mamamayan ng Aurora na tulad ko kami ay umaasa na tuluyan nang makamit namin ang tunay na kapayapaan at kaunlaran sa aming bayan... Maraming salamar po sa lahat ng nakiisa at tumulong sa kampanyang ito...

Saturday, November 28, 2009

Turismo para sa mamamayan ng Aurora

Linggo ika 29 ng Nobyembre 2009, ako ay napadaan sa may baler bay kung saan naglalakihan ang alon na siyang gustong gusto naman ng mga taong nagsu-surfing doon. May mga bata, babae at lalaki akong napagmasdan, ang iba ay nagsu-surf ang iba naman ay nakaupo sa buhanginan habang nagkukuwentohan kasama ang mga miyembro ng pamilya.

Ang nakakatuwa sa mga nakita ko ay ang mga Pilipino at mga dayuhang turista na magkakasamang nagkukwentohan sa mga kubo malapit sa dagat. Sinu nga naman ang di matutuwa ang dati ay tinaguriang war zone na bayan ng Aurora tulad ng probinsiya ng Quezon ay napakalaki na ng pagbabago ngayon. Wala na ang mga takot at agam agam sa mga residente man o mga local o international na turista na mas gustong magbakasyon dito sa Aurora kaysa sa Boracay. Tingnan mo nga naman ang ganda ng ating baybayin na may malinis na tubig at mga mamamayan na napaka-friendly at peace loving. Ang turismo po ay malaki ang maitutulong sa ating bayan, sapagkat ito ay magbibigay ng mga oportunidad gaya ng trabaho at iba pang pakakakitaan. Kung maraming turista dibat sila rin ang bibili ng mga tinda nating isda, gulay o karne sa palengke? Yung iba naman ay nagpapaturo na surfing sa mga taga baler na instructor ng surfing. Ito ay ilan lamang sa mga positibong dulot ng payapang pamayanan. Salamat sa mga sundalong nagsasakripisyo upang matamasa natin ang ganitong kapayapaan at kalayaan. Sabi nga sa isang islogan ng AFP na nabasa ko sa isang streamer sa manila "Kalayaan, Karapatan MO, Responsibilidad ko". Ibig sabihin, ang kalayaan ay karapatan nating mamamayan subalit ito ay responsibilidad ng sandatahang lakas ng pilipinas upang ating patuloy na matamasa...

1 comment:

  1. The Insurgency Free Aurora Movement will be the cutting edge for the unhampered delivery of basic services to the Aurorans. Tourism industry will be nurtured and the welfare of the people will become the priority of the local government because we learned from our past, we are not idiots as what the terrorist think about us. We encourage the Aurorans to join the rest of the movement to unite against the atrocities of the CPP-NPA-NDF!! Long live Democracy!! Peace be with you my friend!!

    ReplyDelete